Saklob ng ulap ang aking katinuan
Naglalakad ng walang makakapitan
Sige lang, dahil di ko pa naman alam
Kung papano ang pakiramdam ng nawalan
Habang ako’y naglalakbay
Nasilaw ako sa isang gintong bahay
Habang hinihlia ng malamyos na tinig ng hangin
Itong aking kaluluwang naghihintay ng makakain
Unti-unti kong nararamdaman
Ang bawat haplos ng malambing na tinig
Mula sa nagdidiliryo kong ulo
Hanggang sa nanlalambot kong mga talampakan
Buong loob kong tinahak ang landas
Patungo sa malabanal na kaharian ng buhay
Minalas ko nang taimtim ang walang hanggang pagmamahal ng POON
Sa puso kong naghahanap ng makakaramay
Sa aking pagnanasang maabot ang pagmamahal Niya
Nagawa kong maging tunay na alagad
Habang naghahanap ang mabagsik kong mata
Sa tunay na kahulugan ng pagiging isang tunay na kabiyak NIYA
Napamasid ako sa di kalayuan
Napuna ko ang isang matipunong kaanyuan
Ako’y napatitig, nagtaka at nagalak
Siya ay kakaiba, ang puso ko’y nagpaunlak
Ano kaya ang nasa isip niya?
Mukha siyang may dinadala
Ako’y nagambala sa aking nakita
Mukha niya ay salat sa pang-unawa
Hindi man niya ako pansin
Sa loob ko, ako’y may konteng pagtingin
Ang taong ito ba’y sadyang mapangmata?
O baka naman ako’y sumusobra
Hanggang doon lang aking pagkakilala sa kanya
Wala nang mas hihigit pa
Sa pasulyap-sulyap ko at patuloy na pagkamangha
ano nga ba ang kanyang dinadala?
Hindi ko maalala mga araw na nagdaan
Siguro Panginoon na ang gumawa ng paraan
Nagkakilala kami ng harapan
Doo’t doon din sa aming pinagsisilbihan
Wala ni isang guhit ng pag-iisip
Na siya ay maging kalakip
Sa buhay ko na puno ng paghalukipkip
Sa kahapong pilit kong binubuhay habang ako’y nakaidlip
Mula’t sapul ay hindi ko akalain
Puso kong bato ay kanyang palalambutin
Instrumento ng Diyos para ako’y gumising
Sa madilim na anino na aking kapiling
Aking hiling ay sana siya na nga
Subalit papano kung ika’y nabigla?
Ako kaya ay matatanggap?
Sa kabila nang aking paghahanap?
Paghahanap ng totoong pagkalinga
Pagmamahal at pag papahalaga
Sana nga sana nga
Para ako ay makapaghanda…..
